Ito ay sulat sa akin ng isang kaibigang nagmamahal at naghihintay ng pagbabalik.
------------------------------------------------------------------------------
Susubukan kong ilarawan ang naramdaman ko nung unang umagang wala ka na..
Sabi nung si Pablo Neruda, "Is there anything in this world sadder that a train standing in the rain?"
Para ngang malungkot yun, naisip ko pero kasi, iba sigurong itsura ng train. Ang alam ko lang e LRT at MRT na pag-umuulan, karaniwang tumitirik at nagmiminura ang lahat. Kaya, di swak sa lungkot na nararamdaman ko...
Ganumpaman, dati umuuwi ako ng 3-4 ng hapon, nagka-cut ako ng klase dahil ayokong sumabay sa rush hour at makipagbalyahan sa samutsaring suso, dibdib, tiyan, pwet ng kung sino-sinong nagmamadali ring umuwi. May mga upuan dun sa istasyon may mangilan-ngilang taong sobrang detached sa lahat ng bagay na nag-e-exist sa paligid nila, maliban sa kanilang selpon.
Tapos magsasalita yung babae o lalaki na parang may sipon sa speaker na kahit kailan sa buong buhay ko ay di ko tinangkang hanapin kung san nakakakabit, at darating yung tren na iilang piraso ang laman. Bubukas ang pinto at may makakatinginan kang pasahero, pero di mo siya tinitingnan bilang kahit ano, kundi bahagi lamang ng lahat ng bagay nang partikular na sandaling iyon. Tulad nung boses ng lalaki o babaeng may sipon, ng mga upuan ng tren, ng 3-4 ng hapon, ng detached na mga tao...
Bahagi ng isang paulit-ulit na black and white, na nakababagot na buhay ng kalunsuran na makakalimutan mo lang, panandalian, kapag lasing ka. Ibubulong mo sa sarili ang klasikong linya ng bawat pinoy kapag sa tuwi-tuwina'y ma-e-encounter niya ang saklap ng kahirapan, "Putang inang buhay to..."
Sasabihin mo iyon sa sarili. Iiling ka, tatawa ng mapakla at aalis ng mabilis palayo sa istasyon upang maghanap ng makakainuman.
Hehehe...
Walang pagkakapareho, syempre, yung mga detalye. Pero yung pakiramdam sa istasyon, yung lungkot, parang hawig sa lungkot noong unang umagang wala ka na.
Nilo
-------------------------------------------------------------------------------
I wait for my kori
As the morning sun
Showers sweet warmth
to the forzen earth,
waking my senses
and all creatures around me
I wait for my kori to come home
As my comrades and I
walk the trail towards the masses
we so love and serve
with all our minds and strength
I wait for my kori
I wait for her to come home
I wait for my Kori
As the world surrenders to the dusk
And all creatures of the earth
watch the moon claim the skies once more
I wait for my Kori to come home
As I dream of this girl and her sun kissed skin
Walking with me and my comrades
As we face the days and nights of the revolution
I wait for my Kori
I wait for her to come home
-----------------------------------------------------------------------------
"Sabi sa tula, sa kanayunan, sa piling ng masa ang tunay na tahanan ng ating henerasyon."







--
I badly want a cigarette...
--
nobody dies a virgin. life fcuks us all. :icontoycamera:
--
I badly want a cigarette...
--
the irony of change is that is does not change
linda macopa!
san ka na?
wala ka na bang makodak dyan?
--
the irony of change is that is does not change
yoko lang ishare.. heheheheh
damot.
oi libre mo akong isaw.
tsaka kinasal na ba kayo? imbitahan nyo ko a.hahahah
--
I badly want a cigarette...
--
kultura lumablaban, kultura ti wayawaya.
--
I badly want a cigarette...
ayon ang dami kuwento last sunday buo na ang chapter ng dayana sa slu. hahahaha sa wakas at may silbi na ako sa bago kong gawain.....ingat diyan bira bira bira hahahaha (ewik)
--
kultura iti wayawaya
Previous Page12345...Next Page